Posts

KAWAYAN: Paghabi ng Mayamang Kasaysayan ng Bayan

Isinulat ni: Ashley Jodel T. Dumalag May isang bayang marikit Taglay na ganda'y kaakit-akit Sa hilagang silangan ng lalawigan Matatagpuan ang kaniyang hantungan Isang munting bayang pinagpala Dahil sa Diyos na dinarakila Kaya naman itong mga mamamayan Taglay pasasalamat na taimtiman Ngunit upang lubos na maunawaan Ang pagpapala rito sa munting bayan Ating balikan ang kasaysayan Na hinabi sa yaman nitong kawayan Nagsimula bilang isang baryo At ipinagpatuloy ang pagbuo ng kwento Maraming dagok at pagsubok Ngunit 'di kailanman nagpalugmok Sa dakong timog at silangan Ng noo'y pueblo ng Guilingan Sa isang malawak na kagubatan Mga maiilap na hayop, matatagpuan Sa pusod ng kagubatan Isang malaking puno, natagpuan Napag-alaman bilang Calumpang Na animo'y binabalot ng kahiwagaan Mula noo'y nanirahan Mga mamamayan ng karatig-bayan Partikular na'ng mga taga-Daraitan Maging ang mga karatig-lalawigan Sa paglipas ng mga araw Bagong umaga'y natatanaw ...